Thursday, October 4, 2007

Mauban pinaka cleanest ngaba

Tagalog News: Mauban, pinarangalan bilang isa sa cleanest and greenest municipalities sa Quezon

Lucena City (18 July) -- Pormal na binigyan ng parangal dito ang pamahalaang lokal ng Mauban at San Narciso bilang cleanest and greenest municipalities sa lalawigan ng Quezon.

Ang awarding ceremonies ay ginanap sa Quezon Medical Center sa lungsod na ito noong Hunyo 28, 2007 at dinaluhan ni dating Gov. Willie Enverga gayundin ng mga miyembro ng Provincial Search Committee for the cleanest and greenest municipalities, mga mayor at kawani ng lokal na pamahalaan mula sa iba't-ibang bayan ng Quezon.

Ang paligsahan ay dating tinatawag na Gawad -Pangulo sa Kapaligiran at ngayon at tinawag itong 2006 Gawad-Punong Lalawigan sa Kapaligiran na naglalayong mapanatili ang kalinisan at pagiging luntian ng mga bayan sa lalawigan ng Quezon at ang mga nananalong bayan ay binibigyan ng parangal.

0 comments: